Ano ang SEO: Isang Gabay Kung Papaano Gawin ang SEO
Ang mundo ngayon ay umiikot sa Internet. Kung tutuusin, lahat ng pwede mong hanapin ay makikita dito. Sa pamamagitan ng mga search engine katulad ng Google, ang paghahanap ay kasing simple lamang ng pagt-type sa search bar. Malaki ang naitutulong ng mga search engine, pero paano ng aba ito nangyayari? Simple lang—ito ay dahil sa search engine optimization, o SEO—ngunit ano ang SEO?
Kung isa ka sa mga taong napapaisip kung ano ang SEO, masasagot ng artikulong ito ang mga katanungan mo. Kung iniisip mo rin kung paano gawin ang SEO, huwag kayong magalala dahil ito ay isang gabay sa kung ano at paano gawin ang SEO.
Ano ang SEO?
Ang SEO ay isang konsepto na ginagamit sa mga website na gustong maging madaling mahanap ng mga taong gumagamit ng mga search engine tulad ng Google. Para sa mga taong pamilyar sa SEO, hindi mahirap unawain ang pamamaraan kung paano ito gumagana. Gumagamit ang mga propesyonal sa SEO ng mga salita o parirala (keywords) na may kaugnayan sa kung ano ang inihahandog ng kanilang website. May mga nagsasabi na ito ay isang klase ng quality control para sa mga website.
Para sa mga taong hindi pa rin maunawaan nang buo kung ano ang SEO, kailangan niyong maintindihan kung ano ang maibibigay nito sa inyo. Ang paggamit ng SEO ay makakapagbigay sa inyo ng marami at kalidad na search traffic. Halimbawa, ang maayos na SEO ay mangaakit ng mga taong hinahanap talaga ang produkto o serbisyong inaalok mo. At kapag naitatag na ang iyong website bilang isang mapagkakatiwalaan at maayos na pinagmumulan ng impormasyon, mas dadami ang pupunta sa iyong website. Kapag nakita ito ng Google, patataasin niya ang rank ng iyong website.
Pinakamalimit makita at magamit ang SEO sa paghanap at paggamit ng Google. At dahil dito lang ito nakatuon, malimit ay hindi pamilyar ang karamihan sa kung ano ang SEO.
Para sa mga bago sa SEO, dapat niyong maintindihan na maraming dapat tuunan ng pansin sa mundo ng SEO. Isa na dito ang algorithm ng Google na hanggang ngayon ay sinusubukan pa ring alamin ang lahat.
Isa pang pinadaling paraan upang maintindihan kung ano ang SEO ay ang pag-unawa sa kanyang pinanggalingan. Ang SEO ay isang marketing discipline. Mahalaga ito upang maging maayos at epektibo ang mga ginagawa niyo para sa marketing. Sa pamamagitan ng SEO, makakapagpadala ka ng marami at kalidad na search traffic sa iyong website na posible maging mga customer o client. At siyempre, para sa mga nakasubok na ng SEO, masasabi nila na ito ay isang teknikal na gawain. Dapat ay mahusay at walang katulad ang iyong pagsagawa ng SEO para makapagkumpitensya sa iba pang mga kumpanyang gumagamit rin ng SEO.
Mga Aspeto ng SEO
Maraming aspeto ang SEO na hindi basta bastang matututunan. Ang mga aspetong ito ay ang mga sumusunod:
- Technical – Tumutukoy ito sa mga pagayos sa website at kailangan dito ang maayos na kaalaman sa pag program at pagasikaso sa kabuuan ng isang website.
- Tactical – Ito naman ay tumutukoy sa maayos na paggamit ng mga diskarteng magpapaganda at magpapataas sa rank ng isang website. Kasama dito ang epektibong paglagay at paggamit ng mga keyword sa website.
- Social – isang magandang paraan upang makapagakit ng search traffic, ang aspetong ito ay tumutukoy sa pagpapalaganap ng iyong website.
- Reporting – sa madaling salita, ito ang pagsukat sa kung gaanong ka epektibo ang mga diskarteng ginagamit
- Content – ang pinakamahalagang aspeto ng SEO, hindi magagawa ang lahat ng naunang mga aspeto kung walang nilalaman ang iyong website. Lahat ng ito ay dapat umiikot sa nilalaman ng iyong website.
Content: Ang Pinakamahalagang Aspeto ng SEO
Bago mo maintindihan kung ano ang SEO, kailangang magsimula sa content. Ang content ay kahit anong nilalaman ng isang website. Pero ang content na ginagamit sa SEO ay masasabing mataas sa kalidad. Meron itong kwento na ipinapahayag ng may kaugnayan sa pinag-uusapan. Sa pamamagitan nito ay makakapagpaakit ito ng mga mambabasa manunuod. May iba-ibang klaseng content, text, images, videos, audio at pati mga presentations.
Ang pangunahing gamit ng content ay ang magpahayag ng mahalaga, malinaw at magagamit na impormasyong sa madla. At pagdating sa SEO, halos ganito lang rin ang kanyang gamit, ngunit imbis na para sa masa, ang content ay para lamang sa piling grupo ng indibidwal na siyang pinagtutuunan ng pansin.
Sa mundo ng SEO, ang pinakamahalagang gawin ay gawing makabuluhan ang content. Dapat ito ay magagamit at puno ng mahalagang impormasyon. Dapat mas marami itong maipapahayag kumpara sa ibang mga website. At syempre, dapat ang content ay mapagkakatiwalaan, mataas ang kalidad, at nakakapagakit ng mga mambabasa.
Ang content ay ang pinakamahalagang aspeto ng SEO, ito rin ang pinagiikutan ng lahat ng ibang gawain. Dahil dito, mas paguusapan pa ito ng malalim kapag pinagusapan na ang mga pangunahing kaalaman sa paggawa ng SEO.
Paano Gumagana ang SEO?
Sa unang tingin, mukhang madali lang matutunan kung paano gawin ang SEO. Ngunit ito ay masyadong kumplikado kung aaralin mo ito. Ang mga search result ay nakadepende sa pagsusuri ng Google sa lahat ng website na may kaugnayang sa hinahanap. Ganito ito nangyayari: ang Google, o kahit anong search engine ay nagpapadala ng crawlers na naglalakbay at kumukuha ng impormasyon tungkol sa lahat ng content na nadadaanan nito at ibinabalik sa kanilang database. May mahigit 200 na salik na pinagbabasehan ang Google habang pinipili ang pinakamaayos na website o webpage.
Kapag pasado at nangibabaw ang isang website sa pagsusuring ito, mas tataas ang rank nito sa search engine results page kung saan makikita ang lahat ng mahahalagang website base sa search query.
Kung nagawa ito ng tama, ang website na gumagamit ng SEO ay laging lalabas sa mga searches na may kaugnayan sa kanilang content. Dahil dito, mas madali silang mahahanap at mas makikilala ang website na ito.
Bago magpatuloy, ito ang isang maikling buod kung ano ang SEO: Ito ay ang paraan upang mas madaling mahanap ang iyong website sa pamamagitan ng paggawa ng mahalaga at marangyang content na papasa at mangunguna sa pagsusuri na ginagawa ng Google.
Ngayong mayroon ka nang kaalaman tungkol sa kung ano ang SEO, kailangan mo ring maintindihan kung bakit ito mahalaga sa mundo ngayon.
Bakit Mahalagang Gawin ang SEO?
Simple lang ang sagot sa kung bakit mahalagang gawin ang SEO. Ito ay dahil kung hindi mo ito gagawin, mawawalan ng bisa ang website na iyong inaasikaso. Para sa lahat ng tao, kumpanya at iba pa na sinusubukan gamitin ang Internet upang mas lumago at sumikat, SEO ang pinakamahalagang paraan upang umunlad.
Kung iisipin mo, kung mayroon kang tanong na kailangang masagot agad — tulad ng “Ano ang SEO?” — ang pinakamabilis at mabisang paraan upang makakuha ka ng matinong tanong ay ang paggamit ng Google para maghanap.
At kapag nakapaghanap ka na at lumabas na ang mga resulta, ang lagi mong pipiliin ay ang nasa unahan. Ang sagot na ini-rank ng Google bilang una at pinakamaayos na sagot base sa kanilang pagsusuri.
Ngayon, isipin mo naman na nangyari ang lahat ng ito, pero ngayon ang hinahanap ay may kaugnayan sa produkto o serbisyong inihahandog ng kumpanya mo, o kaya naman may kaugnayan sa mga pinag-uusapan sa iyong website. Kung maayos ang mga ginagawa mong SEO, website mo ang lalabas at pagtutuunan ng pansin.
Ito ang kayang ibigay ng maayos na SEO.
‘Di hamak na mahalagang alamin ng kahit sinong mayroong website kung ano ang SEO. Bago naman tayo magpatuloy sa kung paano gawin ang SEO, pagtuunan muna natin ng pansin ang ilan sa mga dahilan kung bakit ginagamit ang SEO.
Bakit Ginagamit ang SEO
Nakalista sa ibaba ang ilan sa mga dahilan kung bakit gumagamit ng SEO ang karamihan ng mga kumpanya at negosyo sa panahon ngayon.
- Mas maraming titingin sa website
- Mas madaling hanaping ang website
- Nagtatatag ng kredibilidad
- Pagpapalaganap ng brand
- Pamumuhunan para sa kinabukasan
- Sulit pagdating sa marketing efforts
- Madaling masukat
- Mas magandang karanasan at paggamit ng website
- Pagtaas na pagasa sa ng madla ang mga search engines
Iilan lamang ang mga nabanggit sa napakaraming rason kung bakit ginagamit ang SEO, pero para sa mga baguhan pagdating sa SEO, sapat na ito bilang panimula.
Ang mga Pangunahing Kaalaman sa Paggawa ng SEO
Ngayon na nabigyan na kayo ng panimulang impormasyon tungkol sa SEO, oras na para malaman niyo kung paano gawin ang SEO. Katulad sa binanggit kanina, ang lahat ng importanteng bagay na kaliangan sa SEO ay umiikot sa content. Ito ay dahil ang nilalaman ng iyong website ang magdidikta kung sino at ilan ang pupunta at mananatili para bigyan ng oras ang webpage na ito.
Laging tatandaan na ang pinakamabisang paraan upang makapagakit ng mga bisita sa website at mga search engine ay ang pagkakaroon ng magandang content tulad ng mga ito: blog posts, guides, infographics, videos, images, atbp.
Maliban sa content na pinag-iikutan at pinagbabasehan ng isang webpage, ito ang iba pang mga mahahalagang aspeto na kailangan pagtuunan ng pansin sa paggawa ng SEO:
- Keywords – Ang mga salita o pariralang ito ang dahilan kung bakit mas dadali ang paghanap ng website mo gamit ang mga search engine. Ang mga keyword ay ang basehan para sa pag-uusapan ng iyong content.
- Title tag – Ang title tag sa mga webpage mo ay ang magsasabi sa mga mambabasa, pati na rin sa mga search engines, kung tungkol saan ang webpage na ito. Maikli lang ito at malimit makikita ang keyword/s na may kaugnayan sa webpage na iyon.
- Meta description – ito ay isang maikling paglalarawan ng kung ano ang nilalaman ng webpage. Mayroong nagsasabi na hindi na ito importante pagdating sa pagsusuri ng Google, ngunit ginagamit pa rin ito ng ilang mga nagsasagawa ng SEO.
Mas dadali ang paglagay at pag-ayos ng title tag at meta description kapag gumagamit ka ng WordPress.
- Header tags – Ito ay ginagamit upang maihati ang nilalaman ng isang webpage. Ito ay para hindi mahirapan ang mga mambabasa at ang search engine sa pagbabasa ng
- Image name at ALT tags – Kapag gumagamit ka ng mga larawan sa iyong website, siguraduhing maayos din ang kanilang mga pangalan, ayusin din ang keywords para dito at sa alt tag.
- Internal links – Isang magandang paraan upang matulungan ang mga search engine na mas maging pamilyar sa iyong website ay ang paggamit ng mga internal link na kumokonekta ng mga webpage ng iyong
Ang mga nabanggit ay ang mga diskarteng maipapasok sa on-site optimization kung saan nakatuon lahat ng pagaayos sa mga pwedeng gawin sa loob ng website. Ang susunod naman ay mga halimbawa ng mga ginagawa sa off-site optimization o mas kilala bilang link building.
- Link building – Ito ay ang mga gawain na magreresulta sa pag-link ng ibang mga website patungo sa website Maihahalintulad ito sa pagkakaroon ng mas maraming boto para sa website mo bilang ang pinakamaayos na pinanggagalingan ng impormasyon para sa keyword na ito.
Pag dating sa link building, ito ang mga klase ng link na matututunan mo:
- Organic links – Ito ang pinakamagandang klase ng Ito ang mga link na hindi mo na kailangang hingiin mula sa ibang mga website.
- Whitehat – Ito ang mga link na magaganda na dulot ng magandang SEO.
- Blackhat – Ito ang mga link na hindi maganda na dulot ng paggamit ng mga hindi patas na pamamaraan ng SEO. Maihahalintulad ito sa spam.
Hindi madaling makapagbuo ng natural na mga link. Malimit para makapagsimula ang mga ito, nagpapadala sila ng mga guest post sa mga sikat na mga blog at magpapa-link kayo pabalik. At syempre, ang paggawa ng content na mataas ang kalidad ay iilan sa iba’t ibang paraan na makakatulong sa pagbuo ng mag link.
Mga Hindi Dapat Gawin sa SEO
Ngayon na mayroon na kayong ideya sa kung paano gawin ang SEO, kailangan niyo ring malaman kung ano mga dapat at hindi dapat gawin sa mundo ng SEO.
- Isa sa pinakamahalagang bahagi ng kaalaman kung ano ang SEO ang paggamit ng keywords sa content. Wag niyong sosobrahan ang paglagay ng keywords sa iyong website. Ang pangunahing layunin ng SEO ay makapagbigay ng matino at marangyang impormasyon sa mga taong naghahanap nito. Kung tatambakan mo lang ng mga keywords ang iyong webpage ay wala itong maitutulong at makakapagpalayo ng mga potensyal na mambabasa.
- Wag magmadali. Hindi madalian ang resulta ng SEO, ito ay unti-unting lalaki. Tandaan na ang SEO ay isang pamumuhunan. Kapag naabot mo na ang maging parte ng mga nangungunang resulta sa mga search engine results page, dito mo mararamdaman ang ganda ng paggamit ng SEO.
- Wag magdoble ng content. Siguraduhin na ang mga nilalaman ng iyong website ay laging orihinal. Walang maitutulong ang pagkakaroon ng content na mahahanap na sa ibang website.
Ito ay tatlo lamanag sa maraming mga bagay na hindi dapat gawin sa mundo ng SEO. Maraming dapat at hindi dapat gawin kapag gumagawa ng SEO. Marami ring dapat pagtuunan ng pansin upang mas mapaganda ang mga ginagawa mo na SEO. Hindi natututunan ang kabuuan ng SEO sa loob ng isang araw o isang lingo. Pinagaaralan kung ano ang seo at paano gawin ang seo ng matagal na panahon lalo na’t lagi itong pabagobago.
Ano ang SEO at Paano Ito Gawin? Matuto sa Pinakamapagkakatiwaalaang mga Propesyonal sa SEO Hacker!
Katulad nga ng nabanggit, hindi mabilis ang pag-aaral ng SEO, pero ‘di hamak na mas dadali ito sa tulong ng SEO Hacker.
Isa sa pinakamagaling na ahensya ng SEO sa buong Pilipinas, ang SEO Hacker ay may tinatawag na SEO School, ang unang online SEO school sa Pilipinas.
Inihahandog ng SEO Hacker ang walang katulad at kalidad na mga kurso tungkol sa SEO.
Kung gusto mong matuto mula sa pinakamapagkakatiwalaang mga propesyonal ng SEO, bisitahin niyo lamang ang link na ito!