Tanong ng Karamihan: Paano at Saan Ako Matututo ng SEO

Nagsimula ang information o digital age noong dekada ’70 dahil sa pagbubunyag ng mga kompyuter na may teknolohiyang magkalap, maglipat, at maghanap ng impormasyon sa maikling panahon. Ang pagpasok natin sa digital age ay nagbigay daan para sa pag usbong ng iba’t ibang uri ng agham. Mahigit dalawampung taon pagkatapos ng simula ng digital age ay nabigyang buhay ang Search Engine Optimization o SEO. Simula noon, “Paano ako at saan matututo ng SEO?” ang naging tanong ng karamihan.

Sa katotohanan, hanggang ngayon ay marami pa ring nagnanais malaman kung saan sila matuto ng SEO at umaalingawngaw pa rin ang tanong na “Paano at saan ako matututo ng SEO?” Karamihan ng mga taong gustong pag-aralan ang SEO ay kabilang na sa mundo ng mga propesyonal – mga empleyado ng samu’t saring korporasyon. Mayroon din namang mga mag-aaral na gusto rin itong matutunan ngunit higit pa rin na mas marami ang mga propesyonal.

Hindi karaniwang itinuturo ang SEO sa loob ng eskwelahan – mapa-hayskul man kolehiyo o kaya’y graduate school. Dahil dito, walang ibang pwedeng gawin ang mga taong interesado sa agham na ito kung hindi maghanap ng alternatibong paraan. Marahil iyon din ang dahilan kung bakit at paano ka napadpad sa artikulong ito. Maaring ipinasok mo sa Google ang mga salitang “Paano at saan matututo ng SEO?” Kung gayon, ipagpatuloy lamang ang iyong pagbabasa dahil bibigyan namin ng sagot ang katanungan na ito!

 Onting Kaaalaman Tungkol sa SEO

Onting Kaalaman Tungkol sa SEO

Bago tayo tumungo sa kasagutan sa tanong ng karamihan na “Paano at saan matututo ng SEO?”, magbibigay muna kami ng kakaunting kaalaman tungkol sa SEO.

Ang Search Engine Optimization o mas kilala bilang SEO ay isang praktis na ang pangunahing tungkulin ay pataasin ang search engine ranking ng isang website. Kung sakaling bago para sa’yo ang konseptong ito, ang search engine ranking ay ang posisyon ng isang website sa search results ng mga search engines tulad ng Google, Bing, at Yahoo.

Depende sa hinahanap ng mga tao at sa mga salitang ipinapasok nila sa search engines na ito, maaring lumabas ang isang website sa una, pangalawa, o pangatlong pahina ng search results. Bawat pahina ay naglilista ng sampung website na may kaugnayan sa mga salitang ginamit ng mga tao o tinatawag na keyword sa mundo ng SEO. Gusto ng mga nagmamay-ari ng mga website na lumabas sa unang pahina ng search results.

Maraming benepisyo ang paglitaw sa unang pahina ng search results. Ang mga nakalista sa unang pahina ang karaniwang binibisita ng mga tao at hindi na sila tumitingin pa sa sumusunod na pahina kaya naman hindi sapat na lumabas sa mga ito. Kaakibat ng pagbisita ng mga tao sa mga website na ito ay ang pagtaas ng brand awareness, presence, at revenue ng kompanya, organisasyon, o negosyo na nagmamayari nito.

Ito ay maari lamang mangyari sa pamamagitan ng SEO at kung nakukuha mo ang kailangan mo mga serbisyo kung saan matututo ng SEO. Sinisigurado ng mga eksperto na makabilang sa unang pahina ang website ng kanilang mga kliyente. Malaki ang importansya niyo lalo na sa panahon ngayon kung saan lagi nang ginagamit ang search engines para makakuha ng mahalagang impormasyon. Kung walang SEO, hindi mamumulat ang mga tao sa presensya ng isang kompanya at, bilang resulta, hindi sila makakakuha ng kita.

Sa madaling salita, malaki ang kontribusyon ng SEO o ng paglitaw sa mga search results sa revenue ng isang kompanya at maaring kumupas ang kahalagahan ng kanilang brand kung wala ito.

 Personal na Benepisyo ng Pag-aaral ng SEO

Personal na Benepisyo ng Pag-aaral ng SEO

Ngayong nabigyan ka na ng ideya tungkol sa SEO at ang kahalagahan nito sa mga negosyo, tutungo naman tayo sa mga personal na benepisyo na makukuha sa pag-aaral ng SEO at ang pag-alam kung saan matututo ng SEO:

  • Karagdagang Kaalaman at Kakayahan

Una sa lahat ang pag-aaral ng SEO ay natural na magbibigay sa iyo ng karagdagang kaalaman at kakayahan na may malaking halaga sa panahon ngayon. Ang kaalaman at kakayahan na ito ay hindi lamang ukol sa SEO. Marami ka ring matututunan tungkol sa ibang paksa tulad ng digital marketing, link building, at internet marketing dahil kaakibat ito ng SEO.

  • Pagtaas ng Iyong Value Bilang Empleyado

Sa kabila ng kahalagahan ng SEO, kakaunti pa lang din ang nag-aaral nito at may tunay na kaalaman at kakayahan para isagawa ito. Kaya naman siguradong tataas ang iyong employee value o ang iyong halaga bilang isang empleyado kapag alam mo kung saan matututo ng SEO. Mas tataas ang tsansa na ika’y matanggap sa mga kompanyang gusto mo at mapromote sa managerial na posisyon.

Higit pa rito, mas tatagal ang iyong pananatili sa isang kompanya dahil hindi ka madaling pakakawalan ng mga nakatataas dahil nga pinahahalagahan nila ang iyong kaalaman tungkol sa SEO.

  • Libreng Promosyon Para sa Sariling Brand

Sa huli, ang SEO ay isang marketing tool na maaring gamitin ng kahit sinong may tamang kaalaman at kakayahan. Kung ikaw ay may sariling negosyo at ikaw lamang ang nagpapatakbo nito, malaki ang maitutulong sa’yo ng SEO.

Una sa lahat, hindi mo na kakailanganin gumastos para sa mga SEO consultant na maaring maka-ubos ng iyong revenue. Ikalawa, dahil ikaw mismo ang hahawak ng iyong website, mas may kalayaan kang mamili ng uri ng content na ilalagay mo rito. Malaya ka ring pumili kung anong klaseng SEO strategies at techniques ang iyong gagamitin. Ang ikatlo at huli, maitataas mo ang awareness at presence ng iyong negosyo ng walang bayad.

Bilang resulta, kapag maayos na naisagawa ang SEO, lolobo ang iyong profit nang walang karagdagang gastos.

 3 Dahilan Kung Bakit Hindi Tinuturo ang SEO sa mga Paaralan

3 Dahilan Kung Bakit Hindi Tinuturo ang SEO sa mga Paaralan

Sa kabila ng kahalagahan ng SEO para sa ikauunlad ng isang kompanya, hindi pa rin ito tinuturo sa mga paaralan. May mga makatwirang dahilang para rito at aming ililista ang mga ito:

  • Pabagu-bago ang SEO

Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi tinuturo ang SEO sa mga paaralan o bakit hindi ito kayang ituro ng mga paaralan ay dahil sa pabagu-bago nitong katangian. Biglaang nagbabago ang pag-uugali ng mga search engines tulad ng Google; iniiba nila ang paraan kung pano nila nirarango ang mga website. Kung mismong mga eksperto ay nahihirapan na habulin ang mga pagbabagong ito, paano pa kaya makakayanan ng administrasyon na gumawa ng maayos na kurikulum para sa SEO na kurso?

Hindi ito katulad ng kasaysayan, agham, o kaya sipnayan na hindi na magbabago kailan pa man. Gawan man ito ng maayos na kurikulum ng paaralan, malaki ang tsansa na hindi na relevant ang mga alituntunin na ito paglipas ng isa o kalahating taon.

  • Maraming Instrumento Para Rito

Dahil na rin sa kahalagahan at kasikatan ng SEO, libu-libong instrumento na ang nagawa para dito. May iba’t ibang software, programs, at analytic tools para rito at walang partikular na instrumento na siguradong magbibigay ng magandang resulta. Tulad ng pabagu-bagong ugali ng search engines, halos imposibleng ituro ang mga instrumentong ito. Kailangan mo itong matandaan kung gusto mo malaman kung saan matututo ng SEO.

Hindi naman maaaring pumili ang mga propesor ng isa o dalawa rito dahil wala namang nagsasabi na ang isang instrumento ay mas maayos kaysa sa isa. Hindi rin naman nila maaaring ituro lahat dahil nga nasa libo ang bilang ng mga ito at nadadagdagan pa iyon bawat araw na lumipas. Higit pa roon, ang paggamit ng mga instrumentong ito ay madalas ayon sa personal na kagustuhan ng eksperto at hindi sa aktwal na kagandahan at kaayusan nito.

  • Walang Katiwa-tiwalang Paraan ng Pagturo

Kapag pinagsama ang naunang dalawang dahilan, magiging malinaw na kung bakit hindi tinuturo ang SEO sa mga paaralan. Bumabagsak ang lahat ng ito sa katotohanang walang katiwa-tiwalang paraan para ituro ang SEO sa loob ng isang silid aralan. Bukod sa pabagu-bago, ang industriya ng SEO ay palaki rin ng palaki at mahirap habulin ang mga pagbabagong ito.

Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na imposible malaman kung saan matututo ng SEO. Kung ganon man, hindi na sana naming isinulat ang artikulong ito. Ang amin lamang sinasabi sa seksyon na ito ay mahirap ito pag-aralan sa loob ng paaralan at may ibang mas mabuting paraan para talakayin ang SEO.

 5 Paraan Para Matuto ng SEO

5 Paraan Para Matuto ng SEO

Atin nang sasaguting ang tanong na “Paano at saan ako matututo ng SEO?” sa bahaging ito.

  • Magbasa ng Reference Materials

Isa sa pinakamadali at pinamabisang paraan para matuto ng SEO ay ang pagbabasa. Sa panahon ngayon, madali na lamang makakuha ng impormasyon at hindi na maaaring idahilan na walang paraan para makahanap ng reference materials o resources. May mga aktwal na libro na umiikot sa mundo ng digital marketing at SEO. Mayroon din namang mga blogs na dedikado sa paksang ito.

Paalala lamang sa pagbabasa ng libro at blogs: siguraduhin na ang mga ito ay reliable at up-to-date. Gaya nga ng nabanggit sa naunang bahagi, matinik at pabagu-bago ang SEO. Maaaring ang makuha mong materyales ay hindi na naaangkop sa kapanahunan, lalo na’t kung gusto mo malaman kung saan matututo ng SEO.

  • Lumapit sa Eksperto

Ang pinakamabilis na paraan para matuto ng SEO ay humingi mismo ng tulong mula sa eksperto. Aaminin namin na mahirap ito gawin dahil kakaunti lang naman ang talaga matatawag na eksperto sa industriya na ito at mahirap silang maabot. Ngunit wag sumuko agad, may mga paraan naman para makipagugnayan sa mga eksperto. Maaari silang i-email, tawagan o kaya naman dumalo sa kanilang mga SEO talks at conferences.

Kung nais mo talagang pasuking ang mundo ng SEO, mabuting pumasok sa mga kompanya na may sariling SEO team. Siguradong doon ay makakakita ka ng eksperto o maalam sa paksa na maaaring mong ituring na mentor. Bukod pa rito, madadagdagan ang exposure mo sa SEO at mapabibilis ang iyong pag-aaral.

  • Makihalubilo sa SEO Community

Ang pagkakaroon ng mentor ay ang pinakamagandang paraan para matuto ng SEO pero kung hindi talaga kakayanin makipagugnyan sa isang eksperto ay subukan na lamang makihalubilo sa mga taong may parehong interes. Hindi naman mahirap makahapan ng SEO community sa digital age.

May mga online forums at discussions na nakasentro rito at mga online communities na binubuo ng mga taong nais maging dalubhasa sa SEO. Ang iba pa nga sa mga taong bahagi ng mga komunidad na ito ay mismong dalubhasa na at gustong tumulong sa iba. Isa pang magandang bagay tungkol sa mga online communities ay binubuo sila ng mga tao mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Ibig sabihin nito na walang tigil ang daloy ng mahalagang impormasyon.

  • Dumalo sa mga SEO Conferences at Events

Sa pagdalo ng mga SEO conferences at events, makakarinig ka ng mga aktwal na istorya mula sa mga propesyonal. Mabibigyan ka hindi lamang ng kaalaman tungkol sa SEO kundi onting silip na rin sa industriya ng SEO. Mamumulat ka sa mga stratehiya at instruments na ginagamit ng mga eksperto. Maganda rin itong paraan para makakilala ng mga dalubhasa na pwede mong maging mentor o kaya naman ng mga taong kapareho mo ng interes.

Mag-ingat din sa mga pinupuntahang conferences, events, at seminars dahil may bayad ang mga ito at kadalasan ay hindi naman nakakadagdag kaalaman ang mga diskusyon. Minsan ay ginagamit lamang ito ng mga kompanya para sa networking – lalo na ang mga large-scale conferences. Subukan munang dumalo sa mga maliliit na events na siguradong iikot sa pagtuturo ng basics ng SEO kung bago ka pa sa industriya.

  • Kumuha ng Online Classes

Maaari rin naman kumuha ng aktwal na edukasyon sa SEO sa pamamagitan ng online classes. Ang mga online classes na ito ay inaalok ng SEO experts na nakakalat sa buong mundo. Maraming leksyon na matututunan sa online SEO classes at siguradong makatutulong ang mga ito sa iyong kagustuhang maging eksperto sa SEO.

Karamihan sa mga online classes na ito ay magbibigay lamang ng listahan ng mga materyal na kailangan basahin at sa huli’y magpapa-exam. Kung hindi mo nais ang paraan na ito, may iba rin namang nagsasagawa ng webinars (seminars na ginagawa sa internet), phone calls, at iba pang direktong interaksyon. Pumili na lamang ng online classes na naaayon sa gusto mong paraan ng pag-aaral.

 

SEO Hacker: Ang Pangunahing Lugar Para Matuto ng SEO

Ang tunay na sagot sa tanong na “Paano at saan ako matututo ng SEO?” ay walang iba kung hindi SEO Hacker – ang pangunahing lugar kung saan matututo ka ng SEO!

Ang SEO Hacker ay isa sa mga nangungunang SEO company sa Pilipinas. Ang aming pangunahing layunin ay bigyang serbisyo ang iba’t ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa. Ngunit hindi lamang ito ang aming ginagawa. Tumutulong din kami sa mga nagnanais maging dalubhasa sa SEO gamit ang sari-saring pamamaraan.

Mayroon kaming website kung saan kami ay nagpopost ng mga blog tungkol sa SEO. Regular na inuupdate ang blog site na ito kaya masisiguradong relevant ang impormasyong makukuha rito. Nagsasagawa rin kami ng SEO conferences at seminars kung saan kabilang ang mga SEO experts ng Pilipinas. Bukod pa rito, mayroon ding mga tutorial at online courses na tiyak na makakatulong sa mga nais maging eksperto sa SEO. Hindi ka makukulangan sa mga binibigay ng SEO Hacker dahil dedikado kaming ipaalam sa masa ang SEO at ang kahalagahan nito.

Kaya sa susunod na matanong mo ang iyong sarili ng “paano at saan ako matututo ng SEO?”, agad na tumungo sa link na ito! Siguradong dadami ang iyong kaalaman at mahahasa ang iyong abilidad kapag ipinagkatiwala mo ang iyong edukasyon sa SEO Hacker!