Gaano Kahirap ang SEO: Mga Sikreto Tungkol sa mga Pangunahing Proseso ng SEO
Lahat ng tao na napag-isipang pumasok sa isang trabaho tungkol sa SEO ay siguradong napaisip ng tanong ito: “Gaano kahirap ang SEO?” At para naman sa mga sumusubok na pumasok sa industriyang ito, malimit na magiging tanong nila sa mga eksperto ay “Ano ang tamang paggawa ng SEO?”
Kung tutuusin, ang mga tanong na ito ay masasagot lamang ng mga propesyonal na matagal nang nagtatrabaho sa industriya ng SEO. Ito ay dahil hindi simple ang proseso ng SEO—marami kang dapat na matutunan at maraming kailangang maunawaan sa mga proseso nito.
Para sa mga taong nagbabalak na pumasok sa industriya ng SEO, kailangan niyo munang magkaroon ng kaunting kaalaman tungkol dito—at iyan ang ibibigay ng artikulong ito.
Gaano Kahirap ang SEO?
Ito ay isang tanong na malimit na nasa isipan ng mga negosyanteng gustong gamitin ang Internet para mas lalong palawakin ang kanilang client base. Ang maikling sagot sa tanong na ito ay mahirap siya—lalo na kapag hindi ka talaga interesadong matuto ng mga proseso nito.
Hindi gaanong mahirap ang SEO. Marami lang ang nagsasabi nito dahil hindi nila alam ang mga gawaing may kaugnayan dito. Madali lang matutunan ang mga proseso at madali lang maintindihan ang mga mahalagang detalye para dito—ang nagpapahirap lang sa SEO ay ang kawalan ng katiyakan sa kung papaano ba talaga ito gumagana. Madalas nagbabago ang mga batayan ng SEO kaya hindi natatapos ang patuloy na pag-angkop ng mga gumagawa nito.
Pero kung talagang gusto mo itong matutunan, hindi papasok sa isip mo kung gaano kahirap ang SEO. Ito ay dahil sa isang simpleng pag-search sa Google, marami ka nang mahahanap na mga gabay at mga video na makakatulong sa iyong pag-aaral ng SEO.
Maraming mga sikat na website na nagbibigay ng mga libreng aralin tungkol sa mga mga pangunahing kaalaman tungkol sa SEO. Malimit, ang mga ito ay sapat na para makapgsimula ang kahit sino sa pagsagawa ng SEO. Pero bago ka maghanap ng iba pang mga website na nag-aalok ng mga ito, tapusin mo munang basahin ito! Siguradong makakatulong ang artikulo na ito upang mas mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa SEO.
Ang SEO ay isang mahalagang bahagi ng kahit anong negosyo o kumapanya na may presensya sa Internet. Sa tulong ng SEO, mas nagiging madaling hanapin ang iyong website. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggawa ng marami at makabuluhang content at ang paggamit ng mga links upang mas mapuntahan ang iyong website.
Iyan ang SEO—ngunit mas mahirap itong gawin kaysa sabihin. Marami kang kailangang malaman, sundin, at tandaan upang maging maayos at epektibo ang lahat ng iyong gawaing SEO. Kaya ihanda mo na ang sarili mo para sa isang mabilisan at makabuluhang kurso tungkol sa SEO!
Ang Mga Pangunahing Proseso ng SEO
Ito ang mga rason kung bakit tinatanong ng mga tao kung gaano kahirap ang SEO. Maraming prosesong dapat gawin upang makagawa ng maayos na SEO. Malimit, ang proseso ng SEO ay hindi nagbabago. Kung tutuusin, maibubuod ito sa anim na hakbang.
Tulad ng kahit anong prosesong may kaugnayan sa mga negosyo, ang bawat hakbang sa paggawa ng SEO ay importante. Wala dapat malalaktawan sa mga ito dahil posibleng malaki ang mawawala kung nagkulang ng kahit isa. Lagi mong dapat tandaan na may rason kung bakit ginagawa ang bawat hakbang. Ito ang mga pangunahing proseso ng paggawa ng SEO:
Pananaliksik o Research
Para malaman kung gaano kahirap ang SEO, kailangan mong malaman na mayroong dalawang klaseng pagsaliksik na mahalaga. Ang keyword research at ang competitive research.
Ang keyword research ang simula ng lahat ng buong proseso ng SEO. Ito ay isa sa mga pinakamabigat at pinakamatagal na gawain ng SEO. Kailangan mong makahanap ng mga salita o parirala na malimit hanapin ng mga tao sa mga search engines at na hindi masyadong ginagamit ng karamihan ng iyong kakumpitensya.
Dapat mo ring tandaan na maibahagi sa iyong mga keyword ang maibabahagi ng iyong kumpanya. Sa pagsaliksik ng mga keyword, ito ang mga dapat mong itanong sa iyong sarili: (1) Malimit ba itong hanapin sa mga search engines? (2) Kaunti lang ba sa mga kakumpitensya ko ang gumagamit nito? (3) Naipapakita ba nito ang kaibahan ng kumpanya mo sa iyong mga kakumpitensya? Kapag ang sagot sa mga katanungang ito ay oo—mayroon ka nang maayos na keyword na pwede mo nang gamitin para hindi gaano kahirap ang SEO.
Maraming mga kagamitan sa internet na makakatulong sa pagsasaliksik ng iyong keywords—lalo na sa mga keywords na malimit hanapin. Kapag ginagawa mo ito, tandaan mo na posibleng ang pinakahinahanap ng karamihan ay ang may pinakamarami rin na kakumpitensya kapag sinubukan mo ito hanapin.
Ang competitive research naman ay ginagawa kapag nakapagpasya ka na sa kung ano ang mga keywords na gagamitin mo. Dito, pinagsasaliksikan mo ang mga website ng iyong mga kakumpitesya—lalo na sa mga kakumpitensya mong nasa unang pahina ng mga search engine result pages (SERP). Ang pagsaliksik na ito ay detalyado at maselan. Maraming mga aspeto na pag-aaralan at pagtutuunan ng pansin dito—tulad ng dami ng inbound links, ang domain age, indexed content at marami pang iba. Sa pamamagitan nito, makakapaghanap ka ng mga paraan upang lampasan ang iyong mga kakumpitensya.
Pag-Uulat at Pagtatakda ng Layunin o Reporting and Goal Setting
Pagkatapos mong magsaliksik tungkol sa iyong mga keywords at kakumpitensya, mayroon ka nang ideya kung gaano kahirap ang SEO. Ngayon ay kailangan mo namang magtakda ng makatotohanang layunin para sa iyong SEO. Ngunit bago ito, kailangan mo ring pagtuunan ng pansin ang katayuan ng iyong website. Mahalagang tingnan ng detalyado ang site traffic. Pati na rin ang mga nilalaman ng iyong website—ano ang pinakasikat na content sa iyong website? Nananatili ba ang mga mambabasa mo o lumilipat agad?
Pagkatapos mong aralin nang mabuti ang iyong website, magkakaroon ka na dapat ng ideya kung ano ang puwesto nito ngayon at maaari mo ring masukat ang laki ng trabaho mo upang maipaganda at malampasan ang iyong mga kakumpitensta sa mga SERP.
Pagsusulat ng Content o Content Building
Pagdating sa SEO, ang content na maisusulat mo ay ang nasa sentro. Ang paborito ng mga search engines ay ang mga sulatin—mga content na marami at mataas na kalidad ang klase ng content na itinuturing ng mga search engine na makabuluhan at karapat dapat ilagay sa harapan ng mga SERP.
Kapag ang website mo ay puno ng makabuluhang impormasyon, babalik at babalik ang mga tao dito para gamitin ang mga impormasyong ito. Tandaan mo na ang pangunahing dahilan kung bakit pumupunta ang mga tao sa mga website ay dahil naghahanap sila ng impormasyon na makakatulong sa kanila.
Sa pagsulat mo ng content, kailangan mo ring maisama ang iyong mga keyword dito upang mas makadagdag sa pagiging epektibo ng SEO. Siguraduhin mo rin na ang content na isinusulat mo ay makabuluhan at makakatulong sa iyong mga mambabasa. Kapag nagawa mo ito ng tuloy-tuloy, maari ka maging isang eksperto pagdating sa mga temang tinatalakay mo, o kaya naman pipiliin ng mga tao na ibahagi ang iyong mga isinusulat sa ibang tao.
Sa pamamagitan ng pagsulat ng maganda at mahalagang content, mapapalaki mo ang awtoridad at kredibilidad mo—at ito ay mahalaga pagdating sa pag-optimize ng iyong website.
Page Optimization
Pagdating sa pag-optimize ng isang webpage, mahalagang tandaan na malaking bahagi dito ang content na iyong isinulat. Kung tutuusin, sa content mo umiikot ang lahat ng gawaing may kaugnayan sa SEO. Naririto ang ilan sa mga importanteng bahagi ng webpage na dapat mong pagtuunan ng pansin upang masigurado na epektibo ang lahat ng iyong SEO:
Ang pinakauna mong dapat bantayan ay ang paggamit ng iyong mga keyword. Ang mga ito ay ang nagpapatibok ng puso ng SEO. Ang mga keyword ang hinahanap ng mga mambabasa, at nagsasabi sa mga search engines na importante ang webpage na ito.
Kailangan mo rin piliin nang mabuti ang iyong magiging title tag. Ito ang unang makikita ng mga tao sa mga SERP. Siguraduhin na nasa title tag ang keyword mo at na kaakit-akit ito sa mga mambabasa. Iwasan mo ring gamitin ang isang title tag para sa kanyang mga kasunod na webpage. Itinuturing ito na pag-doble ng content.
Sa ibaba ng title tag makikita ang meta description tag. Ito ay ginagamit upang ilarawan ang nilalaman ng isang webpage ng mas detalyado kumpara sa title tag. Importante ring mailagay dito ang iyong keyword. Batay sa mga makabagong pagsasaliksik pagdating sa SEO, hindi na gaanong mahalaga ang paglagay ng keywords sa meta description, pero malaki parin ang naitutulong nito sa mga mambabasa kaya inirerekomenda na ilagay pa rin ito.
Isa pang mahalagang bahagi ng iyong webpage ay ang ginagamit mong heading. Ang mga heading ay nagsasabi sa mambabasa at sa mga search engine kung ano ang paksa at ang mga sumusunod sa kanya.
Siguraduhin mo rin na gumagamit ka ng mga internal links na kumokonekta sa mga webpage ng iyong website. Dapat madali lang mag-navigate sa iyong website. Madali lang dapat para sa mga mambabasa at sa mga search engines na hanapin ang lahat ng nilalaman ng iyong website—at malaking tulong dito ang pagkakaroon ng mga internal links.
Isa pang paraan upang masigurong matagumpay ang iyong pagsagawa ng SEO ay ang pag-ayos ng iyong website—lalo na pagdating sa load time at code bloat. Tandaan na isang salik ng Google upang mag-ranko ng mga webpage ang load time ng webpage.
At ang huling bahagi ng page optimization ay tungkol sa paggamit ng mga larawan. Isa sa pinakamagandang paraan upang maghatid ng isang mensahe ay ang paggamit ng mga larawan. Para sa SEO, siguraduhin na may kaugnayan ang larawan na gagamitin mo sa paksa. At tandaan din na gamitin ang alt-tag upang ilarawan kung ano ang nilalaman ng larawan.
Link-Building
Ang paksa ng link-building ay isa sa mga kumplikadong parte ng SEO. Dito inaasikaso ang pagsaayos ng mag link. Sa link-building, ang pinakaimportanteng gawin ay makakuha ng mga link mula sa ibang mga website papunta sa website mo. Ang pagkakaroon ng mga link ay isa sa pinakamahalagang salik na ginagamit ng Google upang i-rank ang mga website. Ginagamit ito para sukatin ang awtoridad at ang kahalagahan ng iyong website.
Mayroong tatlong klase ng links na ginagamit sa SEO:
- Internal Links – mga link sa loob ng iyong website na kumokonekta sa iba mo pang mga content.
- Outbound Links – mga link sa loob ng iyong website na kumokonekta sa ibang mga website.
- Inbound Links – tinatawag din na backlinks – ito ang mga link na papunta sa iyong website mula sa iba pang mag
Paguulat at Pagsusuri o Reporting and Analysis
Pagkatapos mong isagawa ang lahat ng mga gawain na para sa SEO, kailangan mo muling suriin kung ano ang nagging resutla ng iyong mga ginawa. Balikan ang naunang pag-uulat kung saan ang pinagmulan ng iyong website. Ikumpara ito sa iyong itinakdang maabot.
Kahit ano ang magiging resulta, patuloy ang paggawa ng SEO upang maipataas pa lalo o mapanatili ang iyong position sa mga SERP at sa ranking ng Google.
Sa unang tingin, mapapatanong talaga ang marami kung gaano kahirap ang SEO dahil sa dami ng mga kailangang malaman tungkol dito. Pero kung tutuusin, simple lang ang lahat ng ito, lalo na para sa mga taong may kaalaman na sa web development at copywriting—na madali rin namang hanapan ng mga gabay sa internet.
Mga Alituntunin na Dapat Tandaan Upang Maging Epektibo ang Iyong SEO
Upang mas maging epektibo ang iyong SEO, marami ka pang maaaring idagdag sa iyong mga gawain. Ang mga ito ay hindi bahagi ng tradisyonal na proseso ng SEO, ngunit malaki rin ang mga naitutulong nito para sa iyong website.
- Balikan at gandahan ang mga lumang content na patuloy na nagkakaroon ng traffic.
- Sulitin ang mga title tag at meta descriptions.
- Siguraduhin na mabilis mag-load ang webpage
- Kapag magsusulat ng content, pagtuunan ng pansin ang paksa bago ilagay ang mga keyword.
- Aralin at gamitin ang proseso ng guest blogging—kung saan magbibigay ka ng isang post sa isang tao upang magkaroon ng relasyon, pagkalantad, awtoridad, at mga link.
Mga Bagay na Dapat Mong Matutunan Upang Mapadali ang SEO
Ngayon siguro’y mas lumalim ang pagkakaintindi mo sa SEO. Marahil ay di mo rin tinatanong kung gaano kahirap ang SEO. Ang pagsagawa nito ay nakasalalay sa pagsusulat, lalo na pagdating sa mga content na kailangan mong gawin. Pero hindi lang pagsusulat ang kailangan upang makapag gawa ng SEO nang maayos. Ito ang mga importanteng kaalaman na dapat na matutunan ng lahat ng gustong pumasok sa mundo ng SEO.
- Copywriting at In-Depth Research Skills – Ang dalawang ito ang magiging basehan ng lahat ng iyong content. Sa SEO, hindi sapat ang simpleng pagsaliksik tungkol sa mga kakumpitensya at sa keyword. Kailangang detalyado at malalim ang pagsaliksik na ito upang magamit sa SEO.
- Critical Thinking at Analytical Thinking – Hindi rin magagamit nang maayos ang iyong pagsaliksik kung hindi mo ito masusuri nang maayos. Sa dinami-daming impormasyon na makukuha mo sa iyong pagsaliksik, kailangang makakuha ka ng iilang mahalaga at makabuluhang impormasyong magagamit para sa SEO.
- Technical and Progamming Skills – Batay sa karamihan, ang SEO ay nakatuon lamang sa content na gagamitin at ilalagay sa mga website, pero malaking bahagi din ang kaalaman sa pag-ayos at pagpaganda ng mga website. Tandaan na ang SEO ay para sa buong website at hindi lang para nilalaman nito.
Itong tatlo lamang ang masasabing kailangan upang makagawa ng SEO bilang isang baguhan. Pero habang mas dumadami ang gusto mong gawin, mas marami rin ang kailangan mong malaman upang makapaggawa ng SEO nang tama.
Paano ang Tamang Paggawa ng SEO? Matuto sa SEO Hacker School!
Hindi ka pa rin ba sigurado kung gaano kahirap ang SEO? Hindi mo pa rin ba naiintindihan kung ano ang tamang pag gawa ng SEO? Siguro ay dapat mo nang matutunan ito mula sa mga kilalang eksperto sa SEO Hacker!
Ang SEO Hacker School ay ang nag-iisang online SEO school sa Pilipinas! Dito, matututunan mo ang lahat ng dapat mong malaman upang makagawa ng SEO nang maayos at epektibo. Isa rin kami sa kinikilala na SEO na kumpanya sa Pilipinas kaya naman ikay ay tiyak na makakaasa sa amin.
Kung interesado kang matuto mula sa mga propesyonal ng SEO, pumunta lamang sa pahinang ito!