Masiyasat na Pagsusuri ng Mga SEO na Kumpanya sa Pilipinas

Hindi na maikakaila na marami nang mga SEO na kumpanya sa Pilipinas. Kung noon ay kaya pang bilangin sa isang kamay ang mga SEO na kumpanya sa Pilipinas, ngayon ay hindi na ito magagawa kahit pa isama ang dalawang paa. Kalat na rin ang mga SEO specialist sa Pilipinas at patuloy lamang silang dadami dahil marami na ang nagnanais na magpakadalubhasa sa SEO. Sa loob ng maikli lamang na panahon, umusbong at lumago ang industriya ng SEO at magpapatuloy lamang ito sa darating na taon, dekada, at siglo.

Gayunpaman, marami pa rin ang hindi mulat sa konsepto ng SEO at ang iba nama’y kulang ang kaalaman tungkol dito. Bukod pa rito, hindi rin naiintindihan ng karamihan ang layunin at importansya ng mga SEO specialist at mga SEO na kumpanya sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit nagawa naming isulat ang artikulong ito – upang ibahagi ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa SEO at mga bagay na kaakibat nito tulad ng mga specialist at kumpanya.

Sama-sama nating sisiyasatin, susuriin at iintindihin ang tunay na kahalagahan ng mga SEO na kumapnya sa Pilipinas at ang mga taong nagsasagawa ng mga ito. Pati na rin ang papel, gawain at katangian ng isang maasahang SEO na kumpanya ay ating tatalakayin. Kaya kung ang nais mo ay karagdagan at makabuluhang kaalaman tungkol sa mga konsepto at bagay na ito ay ipagpatuloy mo lamang ang iyong pagbabasa!

 

Ang Kahalagahan ng SEO sa Kasalukuyang Panahon

Bago tayo tumungo sa pagsusuri ng mga SEO na kumpanya sa Pilipinas ay alamin muna natin kung ano ang SEO at ano ang kahalagahan nito sa kasalukuyang panahon.

Ang SEO o Search Engine Optimization ay isang gawain kung saan gumagamit ang mga SEO specialist sa Pilipinas ng maraming algorithm o pamamaraan upang tulungan ang isang website na mag-ranggo sa mga search engines tulad ng Google at Yahoo. Layunin ng mga SEO na kumpanya sa Pilipinas ay lumabas sa unang pahina ng mga search engine ang website ng kanilang mga kliyente upang makita ito ng sangkatauhan.

Ngayon, bakit nga ba kinakailangang mamuhunan sa SEO sa kasalukuyang panahon? Ang ibig naming sabihin sa mga salitang ‘kasalukuyang panahon’ ay ang kapanahunan ng modernong teknolohiya na kung sa Ingles ay Information Age, Computer Age o Digital Age. Sa panahon ngayon, halos lahat ng tao ay tuluyan nang naka-depende sa internet para sa impormasyon, partikular na sa mga search engine na nabanggit. Araw-araw ay ginagamit ng mga tao ang search engine na ito upang sagutin ang kanilang mga katanungan o pagka usisa.

Ang mga website na lumalabas sa pangunahing bahagi ng mga search engine na ito ang madalas pinupuntahan o pinipindot ng mga tao. Bilang resulta, tumataas ang kanilang kaalaman tungkol sa tatak o produkto na iyon. Minsan pa nga ay nakukumbinsi sila subukan ang mga serbisyo at produkto ng mga ito. Sa huli, naaapektuhan nito ang revenue o kita ng mga kumpanya dahil may katapat na relasyon ang brand awareness at company revenue.

Marami pang ibang benepisyo ang SEO pero ito na ang pinakamahalaga at importante sa lahat kaya’t kinakailangan talagang mamuhunan sa praktis na ito. Posible namang gawin ang SEO sa loob ng iyong kumpanya o in-house ngunit mas madalas itong ipinapaubaya sa ibang kumpanya o ina-outsource. May mga dahilan at rason kung bakit ito ang karaniwang gawain at ito ang ating sunod na tatalakayin.

5 Dahilan Kung Bakit Dapat I-Outsource ang SEO

5 Dahilan Kung Bakit Dapat I-Outsource ang SEO

May kanya-kanyang kalamangan at kahinaan ang outsourced at in-house na SEO pero marami ang sang-ayon na mas mabuti na i-outsource ang SEO dahil sa mga sumusunod na bagay:

  1. Mabilis ang Pagbabago sa SEO

    Kasing bilis ng pag ikot ng mundo at paglipas ng panahon ang mga pagbabago na nagaganap sa industriya ng SEO. Daan-daang biglaang pagbabago ang nangyayari kada taon. Sa katunayan nga’y umamin na ang Google – ang pinaka sikat at ginagamit na search engine – na halos 500 beses nilang binabago ang kanilang algorithm sa isang taon. Nangangahulugan iyon na mayroong mahigit-kumulang sampung pagbabago sa isang linggo.

    Ang iba sa mga pagbabagong ito ay hindi kapansin-pansin ngunit may pantay na importansya. Ang tanging paraan lamang para mahuli ang mga ito ay kung itututok mo ang iyong buong atensyon dito. Hindi lahat ng kumpanya ay may sapat na tao at kaalaman para gawin ito kaya mabuti nang ipaubaya ito sa mga SEO na kumpanya sa Pilipinas.

  2. Hindi Agad na Natututunan ang SEO

    Ang SEO ay hindi tulad ng ibang kasanayan at kakayahan na maaring matutunan sa loob ng isa o dalawang buwan. Dahil walang teknik at pamamaraan na naka-taga sa bato, iba-iba ang ginagamit ng mga SEO na kumpanya sa Pilipinas.

    Karamihan sa mga stratehiya at teknik na ito ay nabuo lamang makalipas ang ilang taong trial and error. Hindi pa nga masasabing buo ito dahil nga patuloy na nagbabago ang mga batas at algorithm ng mga search engine kaya kailangan din isaayos ang mga kasalukuyang stratehiya.

  3. Maraming Oras ang Kailangan Gugulin

    Katulad nga ng nasabi sa naunang punto, hindi agad-agad na natututunan ang SEO. Kailangan gumugol ng maraming oras para tunay na masabing ika’y dalubhasa na sa paksang ito. Bukod pa doon, mahirap din malaganap ng mga taong may kaalaman tungkol dito at bumuo ng grupo na maaring magsagawa ng SEO para sa iyong kumpanya.

    Ang oras na maaring gamitin para bumuo ng in-house na koponan ng SEO ay mabuti pang gamitin na lang para asikasuhin ang mas mahalagang gawain sa kumpanya at i-outsource na lamang ang SEO. Sa gayon ay mas mapapadali ang pag-unlad ng negosyo at paglaki ng kita.

  4. Mahalaga ang Kadalubhasaan sa SEO

    Hindi maaaring utusan ang isang taong walang alam sa SEO na isagawa ito dahil wala itong magiging mabuting epekto. Mahalaga ang kadalubhasaan sa SEO dahil maraming panganib at peligro na nakaakibat dito. Kahit pa may kakaunting kaalaman sa SEO ang nais mong hirangin na SEO specialist sa iyong kumpanya ay wala pa rin itong mabuting maidudulot.

    Pagdating sa SEO, hindi uubra ang kakaunting kaalaman; ikaw ay isang SEO specialist o bahagi ka pa man ng SEO na kumpanya sa Pilipinas o hindi. Maari mo naman itong matutunan sa sarili mong oras ngunit kung hindi ka pa talaga dalubhasa ay mas mabuting iwasan muna ang paggawa nito at ipaubaya muna sa mga eksperto.

  5. Mas Magaan Ito sa Bulsa

    Lingid na sa kaalaman ng karamihan ay katotohanang mas cost-effective o mabuti para sa bulsa ang pagoutsource ng SEO na kumpanya sa Pilipinas. Totoo namang malaking puhunan ang SEO ngunit mababawi naman ito sa huli dahil sigurado kang gagana ito dahil nga mga eksperto ang iyong inaasahan.

    Isipin mo na lang ang kailangan mong gugulin na oras at panahon upang bumuo ng in-house na koponan. Simulan mo sa paggawa ng mga paanunsyo ng trabaho at paglaganap nito sa iba’t-ibang websites. Sunod ay ang paghahanap ng mabuti at maasahang empleyado na may mayamang kaalaman ukol sa SEO.

    Minsan pa’y kakailanganin mo silang sanayin para mas lalong mahasa ang kanilang mga kaalaman. Ang pinaka nakakatakot pa roon ay hindi mo tunay na masisigurado na gagana ang mga stratehiya na kanilang gagamitin.

    Sa huli, para ka na ring nagtapon at nag-aksaya ng pera na sana’y ginamit mo na lamang sa isang SEO na kumpanya sa Pilipinas.

Ang Papel at Gawain ng Mga SEO na Kumpanya sa Pilipinas

Ang Papel at Gawain ng Mga SEO na Kumpanya

Amin nang nabanggit na ang mga SEO na kumpanya sa Pilipinas ay may layuning itaas ang ranggo ng website ng kanilang mga kliyente sa mga search engine. Hindi ito madaling gawin at maraming gawain ang kailangan sa prosesong ito. Kung ano ang mga ito’y aming ililista sa bahaging ito:

Intindihin ang Pangunahing Layunin ng Iyong Kumpanya

Hindi makakagalaw ang mga SEO na kumpanya sa Pilipinas kung hindi nila alam ang pangunahing layunin ng kanilang mga kliyente. Kailangan ay magtugma ang kanilang mga stratehiya sa nais marating ng iyong kumpanya kaya’t mahalagang maging malinaw na sa iyong mga inaasahan mula sa kanila.

Magsagawa ng Detalyadong Audit ng Iyong Website

Bago pa baguhin ng isang SEO na kumpanya ang iyong website ay gagawa muna sila ng isang detalyadong audit nito. Ito ay upang maipakita sa iyo, ang kliyente, kung bakit hindi ka nagra-ranggo sa search engines and iyong website at anong mga pagbabago ang kanilang gagawin para malutas ang problemang ito.

Alamin ang Keyword na Nakaakibat sa Iyong Website

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng proseso ng SEO ay ang keyword research o pag-alam ng keyword na nakaakibat sa iyong website, brand, o produkto. Sa madaling salita, aalamin nila kung anong mga salita ang pinapasok ng mga tao sa search engine at nakakonekta sa iyong website. Kapag nakita na nila ang tamang keyword ay dito na iikot ang laman ng iyong website para sa sunod na hanapin ito ng mga tao’y lumabas ito sa unang pahina ng mga resulta.

Usisain ang Iyong Backlink Profile

Ang backlink profile o link portfolio ay ang listahan ng mga sites na naka-link o nakakonekta sa iyong sariling website. Halimbawa, maaring may mga blog o vlog na binabanggit ang iyong brand o produkto. Sa pamamagitan ng mga backlinks na ito ay dumadami ang traffic sa iyong website dahil nadadala ang mga nagbabasa papunta sa iyong website tuwing pinipindot nila ang mga ito. Mahalagang aspeto rin ito ng SEO na kailangan usisain ng maayos para magtagumpay sa gawain.

Pag-aralan ang Website at Ranggo ng Iyong Kakumpetensiya

Siyempre nama’y hindi mawawala ang pag-aaral ng iyong mga kakumpetensiya. Ibabahagi sa iyo ng mga SEO na kumpanya kung gaano kalaki ang kanilang mga website at ikukumpara din ang inyong mga backlink profiles at stratehiya. Gamit ito, mas malilinawan ka kung bakit sila’y nangunguna kumpara sa ibang kumpanya sa inyong industriya.

Magsagawa ng Buwanang Repaso ng Lahat ng Gawain

Ang mga bagay na ito ay buwan-buwan (minsan pa’y linggo-linggo) na susuriin ng isang SEO na kumpanya at ibabalita sa iyo kung mayroon bang progreso. Maari rin nilang maipakita kung paaano naapektuhan ng SEO ang iyong brand awareness at company revenue na siguradong iyong ikatutuwa.

4 Katangian ng Maasahan SEO na Kumpanya

4 Katangian ng Maasahan SEO na Kumpanya

Dahil nga maraming mga SEO na kumpanya sa Pilipinas, maaring mahirapan kang pumili ng isa ng iyong maasahan na palaguin ang iyong website. Bilang tulong, aming inilista ang mga katangian ng isang mahusay at maasahang kumpanya na dapat mong hanapin:

  • May Sapat na Karanasan

    Tulad na lang ng nabanggit sa ikatlong bahagi ng artikulo na ito, importante na ang SEO na kumpanyang iyong pipiliin ay pinatatakbo ng isang dalubhasa o eksperto. Bukod pa roon ay mas mabuti na may sapat na karanasan ang buong kumpanya sa pagsasagawa ng SEO. Maari din namang bigyan ng pagkakataon ang mga baguhang kumpanya na iilang buwan pa lamang nasa operasyon ngunit walang kasiguruhan na magiging maayos ang resulta.

  • Tapat at Mapagkakatiwalaan

    Maraming mga SEO na kumpanya sa Pilipinas ang magbibitiw ng mga pangakong wala namang kalaman-laman at papaasahin ka lamang ng matagal. Madali lang ihiwalay ang mga ito sa maayos na SEO na kumpanya sa Pilipinas dahil madalas silang gumamit ng bulaklaking salita na para bang sila’y umaakyat ng ligaw. Subukang lumayo sa mga ganitong kumpanya at mas magtiwala sa mga may makatotohanan na inaasahan at tunguhin dahil madalas ay sila pa ang tunay sa kanilang mga salita.

  • Patuloy na Nagpapakita ng Resulta

    Dalawa lang naman ang maaring maging resulta ng SEO – mabuti at masama. May mga SEO na kumpanya sa Pilipinas na itatago sa iyo ang mga masasama at ipamumukha lamang sa iyo ang mga mabuting resulta. Marahil ginagawa nito dahil alam nilang ayaw mo itong marinig ngunit may mga bagay na kailangan mong makita at maintindihan para maayos ang iyong mga website. Ibabahagi ng mga maasahang SEO na kumpanya kung ano ang mga ito kahit gaano pa kasakit at kasama para sa inyo o sa kanila.

  • May Akreditasyon at Sertipikasyon

    Alam mong tunay na may karanasan at dalubhasa ang isang SEO na kumpanya sa Pilipinas kung mayroon silang mga akreditasyon at sertipikasyon sa industriyang ito. Maaaring ang mga CEO ng mga kumpanyang ito ay kabilang sa mga SEO specialist sa Pilipinas at may kinikilala ng mga lider ng industriya. May mga sertipikisyon din naman tulad ng sa Google Analytics na madalas ay kinukuha ng mga nagsasagawa ng SEO bilang patunay ng kanilang kadalubhasaan.

Bagama’t ang kawalan ng akreditasyon o sertipikasyon ay hindi nangangahulugan na hindi maaasahan ang isang kumpanya, ang pagkakaroon naman nito’y isang senyales na tunay na mahusay ito.

 

SEO Hacker: Ang Pinakamaaasahang SEO na Kumpanya sa Pilipinas

Hanap mo ba’y isang mahusay at maayos na SEO na kumpanya sa Pilipinas? Kung ang tanong mo sa iyong sarili ngayon ay: “Paano at saan ako matututo ng SEO?”, huwag nang tumingin pa sa iba dahil ang SEO Hacker ang pinaka-maaasahang SEO na kumpanya sa Pilipinas.

Pinamuunan kami ng isa sa mga SEO specialist sa Pilipinas na si Sean Si. Walong taon nang nasa operasyon ang SEO Hacker at sa loob ng panahong iyon ay nahasa na namin ang aming mga stratehiya at pamamaraan. Mga prominenteng kumpanya at tao ang aming mga kliyente at nakuha na namin ang tiwala ng mga ito. Taglay ng SEO Hacker ang mga katangian na kailangan ng isang maasahang SEO na kumpanya kaya nama’y siguradong hindi ka magsisi kapag kami ang iyong napili.

Kung nais mo pang kilalanin ang SEO Hacker, ang mga tao sa likod nito, pati na rin ang mga serbisyong aming inaalok, tumungo lamang sa pahinang ito!